16 Habag Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Habag. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Ngunit ikaw, Oh Panginoon, ay Diyos na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan."
"At aking palalakasin ang sambahayan ni Juda, at aking ililigtas ang sambahayan ni Jose, at aking ibabalik sila, sapagkat aking kinahahabagan sila; at sila'y magiging tila hindi ko sila itinakuwil: sapagkat ako ang Panginoon nilang Diyos, at aking didinggin sila."
"Siya'y muling magpapakita ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating mga kasamaan; at iyong ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat."
"Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kaniyang mga anak, gayon nahahabag ang Panginoon sa kanila na nangatatakot sa kaniya."
"At kaya maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya siya'y matataas, upang siya'y maging mapaghabag sa inyo: sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng kahatulan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kaniya."
"Sapagkat ang mga bundok ay mangababago, at ang mga burol ay mangatitira; ngunit ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, ni ang akin mang tipan ng kapayapaan ay mababago, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo."
"Sapagkat tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring magdamay sa ating mga kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya natin, gayon ma'y walang kasalanan."
"Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Maglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kagandahang-loob at kaawaan ang bawat isa sa kaniyang kapatid; at huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila, ang taga-ibang lupa, ni ang dukha; at sinoman sa inyo ay huwag mag-isip ng masama laban sa kaniyang kapatid sa inyong puso."
"Datapwat ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanlibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at ipagkait sa kaniya ang kaniyang habag, paanong mananahan ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya?"
"Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kaawaan at Diyos ng buong kaaliwan; na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng kaaliwan na inialiw sa atin din ng Diyos."
"Makigalak kayo sa mga nagagalak; makiyakag kayo sa mga umiiyak."
"At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga habagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo."
"Gawa ng mga kaawaan ng Panginoon na tayo'y hindi nalipol, sapagkat ang kaniyang mga habag ay hindi nagwawakas. Ang mga ito'y bago tuwing umaga; dakila ang iyong katapatan."
"Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisa ng pag-iisip, mangagdamayan, mangag-ibigan sa isa't isa gaya ng magkakapatid, maging mapagpatawad, at may mababang pag-iisip."
"Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng isang pusong mapaghabag, ng kagandahang-loob, ng kababaan ng pag-iisip, ng kaamuan, at ng pagtitiis."
"Makakalimot baga ang isang babae sa kaniyang susuing anak, na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ang mga ito'y nangakakalimot, ngunit hindi ako makakalimot sa iyo. Narito, aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nanga sa harap ko."