22 Jesus Bible Verses
Find the best bible verses about Jesus. Read scriptures and share them with the world.
"Sinabi nga ni Jesus, “Konting panahon na lamang ang isasama ko sa inyo, at paroroon ako sa nagsugo sa akin.”"
"Palibhasa nga'y pinalad sa kanan ng Diyos, at tinanggap sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito na inyong nakikita at naririnig ngayon."
"Sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan; sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa Ama; ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, ‘Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at sa aking Diyos at inyong Diyos.’”"
"Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung hindi gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagkat ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng isang dako."
"At dinala niya sila sa labas hanggang sa Bethany, at itinaas niya ang kanyang mga kamay, at sila'y pinagpala. At nangyari, samantalang sila'y pinagpapala niya, ay humiwalay siya sa kanila, at dinala sa itaas sa langit."
"Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na makapagsalita sa kanila, ay tinanggap sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos."
"At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, samantalang sila'y tumitingin, siya'y dinala sa itaas; at siya've tinanggap ng isang ulap at ikubli sa kanilang paningin."
"At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan: Siya na nahayag sa laman, pinatunayan sa Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga bansa, sinampalatayanan sa sanlibutan, tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian."
"Sapagkat ang Anak ng Tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama na kasama ang kanyang mga anghel; at kung magkagayon ay gagantihan ang bawat tao ayon sa kanyang mga gawa."
"At sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria; sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. At narito, maglilihi ka sa iyong sinapupunan, at manganganak ka ng isang lalaki, at tatawagin mo ang kanyang pangalang Jesus.”"
"At samantalang sila'y nakatitig sa langit habang siya'y pumapailanlang, narito, dalawang lalaking nakadamit-puti ang tumayo sa tabi nila, na nangagsabi, “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at tumitingin sa langit? Itong si Jesus na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay pariritong muli sa gayon ding paraan ayon sa inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”"
"At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot; sapagkat nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya ay wala rito; sapagkat siya'y nabuhay na mag-uli, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.”"
"O iniisip mo ba na hindi ako makapananalangin sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng higit sa labindalawang hukbo ng mga anghel?"
"At sinabi niya, “Abba, Ama, ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa iyo; ilayo mo ang sarong ito sa akin: gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.”"
"Kundi isakbat ninyo ang Panginoong Jesu-Kristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman upang sapatan ang mga pagnanasa nito."
"Kaya't kung palayain kayo ng Anak, kayo ay magiging tunay na laya."
"Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo; magpakatibay nga kayo, at huwag kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin."
"Ang sinumang tumatanggi sa Anak ay walang Ama; ang nagpapahayag sa Anak ay nasa kanya rin ang Ama."
"Sa pamamagitan nito ay nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawat espiritung nagpapahayag na si Jesu-Kristo ay naparitong nasa laman ay sa Diyos; at ang bawat espiritung hindi nagpapahayag kay Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa sanlibutan na."
"At may isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Ito ang aking minamahal na Anak, na aking lubos na kinalulugdan.”"
"Sapagkat kung ipapahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na muling binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, ikaw ay naliligtas."
"Ang sinumang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanya at siya naman sa Diyos."