7 Kaluluwa Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kaluluwa. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"At, narito, sa araw na ito ay pumapasok ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa buong puso ninyo at sa buong kaluluwa ninyo, na walang isang bagay na nagkulang sa lahat ng mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Diyos tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, walang isang bagay na nagkulang doon."
"O Diyos, ikaw ay aking Diyos; maaga kitang hahanapin; ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa iyo, ang aking laman ay nananabik sa iyo, sa isang tuyo at pagod na lupain na walang tubig."
"At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwat hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi lalo ang katakutan ninyo ang makasisira sa kaluluwa at sa katawan sa impiyerno."
"Ang mga kaaya-ayang salita ay parang bahay-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto."
"Sapagkat iyong inanyuan ang aking mga bato: iyo akong tinakpan sa bahay-bata ng aking ina. Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagkat kagulatgulat at kahanga-hanga ang pagkakagawa sa akin: kahanga-hanga ang iyong mga gawa; at iyan ay alam na alam ng aking kaluluwa."
"Minamahal, idinadalangin ko na sa lahat ng mga bagay ay umunlad ka at maging malusog, kung paanong umuunlad ang iyong kaluluwa."
"Sapagkat ikaw ang lumikha ng aking mga panloob na bahagi; tinahi mo ako sa sinapupunan ng aking ina. Pupurihin kita sapagkat ako'y kamangha-mangha at kahanga-hangang nilikha; ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga, at iyan ay lubos kong nalalaman."