Scripture Library

24 Kasamaan Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kasamaan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila laban sa masama."

Juan 17:15 Ang Biblia

"Itatag mo ang aking mga hakbang sa iyong salita; at huwag mong itulot na anomang kasamaan ay magkaroon ng kapangyarihan sa akin."

Mga Salmo 119:133 Ang Biblia

"Dahil dito, kunin ninyo ang buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ninyo ang lahat, ay magsitibay."

Efeso 6:13 Ang Biblia

"Sapagkat ang ating pakikipagbaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga espirituwal na kabagsikan sa mga dakong kaitaasan."

Efeso 6:12 Ang Biblia

"Isuot ninyo ang buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y makatagal laban sa mga lilo ng diyablo."

Efeso 6:11 Ang Biblia

"Ngunit tumakas ka sa mga masasamang pita ng kabataan, at sundin mo ang katuwiran, ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa pusong malinis."

2 Timoteo 2:22 Ang Biblia

"Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan: na sa paghahangad ng ilan ay nangaligaw sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming kalungkutan."

1 Timoteo 6:10 Ang Biblia

"Alalahanin mo rin naman ang May-lalang sa iyo sa mga araw ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masasamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaligayahan sa mga yaon;"

Eclesiastes 12:1 Ang Biblia

"Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, na pinagsasabihan ng mga unang propeta, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Magsipagbalik kayo ngayon mula sa inyong masasamang lakad, at mula sa inyong masasamang gawa: ngunit hindi sila nangakinig, ni nangakinig man sa akin, sabi ng Panginoon."

Zacarias 1:4 Ang Biblia

"Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang kalabisan ng kasamaan, at tanggapin ninyo nang may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa."

Santiago 1:21 Ang Biblia

"Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan."

1 Juan 1:9 Ang Biblia

"Ganito ang sinalita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Maglapat kayo ng tunay na kahatulan, at magpakita ng kagandahang-loob at kaawaan ang bawat isa sa kaniyang kapatid; at huwag ninyong pighatiin ang babaing bao, ni ang ulila, ang taga-ibang lupa, ni ang dukha; at sinoman sa inyo ay huwag mag-isip ng masama laban sa kaniyang kapatid sa inyong puso."

Zacarias 7:9 Ang Biblia

"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo ang mga gumagawa ng pagkakabahagi at ng mga katisuran laban sa mga aral na inyong nangatutuhan: at kayo'y magsilayo sa kanila."

Roma 16:17 Ang Biblia

"Mapalad kayo kapag kayo ay inaalipusta, pinag-uusig, at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan nang pataksil dahil sa akin."

Mateo 5:11 Ang Biblia

"Mapalad kayo, kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alipustahin, at itakuwil ang inyong pangalan na parang masama, dahil sa Anak ng Tao."

Lucas 6:22 Ang Biblia

"Tiyakin ninyo na walang sinumang gumanti ng masama para sa masama, kundi laging magsikap na gumawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat ng tao."

1 Mga Taga-Tesalonica 5:15 Ang Biblia

"Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at lumayo ka sa kasamaan. Ito'y magiging kagalingan sa iyong katawan, at pataba sa iyong mga buto."

Mga Kawikaan 3:7 Ang Biblia

"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pagkapoot sa kasamaan: ang kapalaluan, at ang pagmamataas, at ang masamang lakad, at ang mapandayang bibig, ay aking kinapopootan."

Mga Kawikaan 8:13 Ang Biblia

"Mag-ingat kayo, mga kapatid, baka magkaroon sa kanino man sa inyo ng isang masamang puso ng kawalan ng pananampalataya, sa paglayo sa buhay na Diyos."

Hebreo 3:12 Ang Biblia

"Ang pagkapoot ay nagpapasiklab ng mga kaalitan: nguni't ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng mga pagsalangsang."

Mga Kawikaan 10:12 Ang Biblia

"Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangagkasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit: Ni bigyan man ng dako ang diyablo."

Efeso 4:26 Ang Biblia

"At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, ang lahat niyang tinatangkilik ay nasa iyong kapangyarihan; huwag mo lamang pagbuhatan ang kaniyang katawan. Sa gayo'y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon."

Job 1:12 Ang Biblia

"Siya'y naghahayag ng mga malalim at lihim na bagay; kanyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay nananahan sa kanya."

Daniel 2:22 Ang Biblia

"At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama."

Mateo 6:13 Ang Biblia