33 Kautusan Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Kautusan. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang sasaksi sa kasinungalingan, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili."
"At sa inyo'y magiging panabit, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng utos ng Panginoon, at inyong gawin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siyang ipinangangalunya ninyo;"
"Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan ba ay kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwat, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagkat hindi ko sana naalaman ang pag-iimbot, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mag-iimbot."
"Oo, sa daan ng iyong mga paghatol, Oh Panginoon, ay naghihintay kami sa iyo; sa iyong pangalan at sa iyong alaala ang nasa ng aming kaluluwa."
"Huwag kayong magkautang sa kanino man ng anoman, maliban na sa mangag-ibigan kayo: sapagkat ang umiibig sa kaniyang kapuwa ay nakatupad na ng kautusan."
"At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong tuparin, sa makatuwid baga'y ang Sangpung Utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato."
"Ngunit ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan sa mga natatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay sa mga anak ng mga anak; sa gayong nanginginig ng kaniyang tipan, at sa mga umaalaala ng kaniyang mga utos upang gawin."
"At dahil dito ay siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na nauukol sa ikatutubos sa mga pagsalangsang na nandoon sa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na pamangking walang hanggan."
"Talastasin mo nga na ang Panginoon mong Diyos, ay siyang Diyos; ang tapat na Diyos, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong lahi;"
"Ngunit kung ang masama ay humiwalay sa lahat ng kaniyang mga kasalanan na kaniyang nangagawa, at tuparin ang lahat ng aking mga palatuntunan, at gawin ang matuwid at tama, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay."
"Kami ay nangagkasala, at nangagpakasama, at nanggagawa ng kasamaan, at nangaghimagsik, oo, na kami'y nangahiwalay sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan."
"At kayong mga ama, huwag ninyong pagalitin ang inyong mga anak, kundi inyong alagaan sila sa disiplina at pangaral ng Panginoon."
"Ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay itatanim mo sa iyong puso. Iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa mga ito kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, kapag ikaw ay nahihiga at kapag ikaw ay bumabangon."
"At siya'y natira doong kasama ng Panginoon na apatnapung araw at apatnapung gabi; hindi siya kumain ng tinapay, ni uminom man ng tubig. At isinulat niya sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang Sangpung Utos."
"At ayon sa kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagbubuhos ng dugo ay walang kapatawaran."
"At iniutos sa atin ng Panginoon na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Diyos, sa ating ikabubuti sa lahat ng panahon, upang tayo'y kanyang panatilihing buhay, gaya sa araw na ito."
"Iyong tutuparin ang kaniyang mga tadhana at ang kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, upang ikaw ay bumuti at ang iyong mga anak na kasunod mo, at upang iyong mapalawig ang iyong mga araw sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, magpakailanman."
"At aking pararamihin ang iyong lahi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong lahi ang lahat ng lupaing ito; at sa pamamagitan ng iyong lahi ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa; Sapagkat dininig ni Abraham ang aking tinig, at tinupad ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kautusan."
"Kung kayo'y lalakad sa aking mga palatuntunan, at iingatan ninyo ang aking mga utos, at inyong gagawin; Ibibigay ko sa inyo ang ulan sa kanilang kapanahunan, at ang lupain ay magbibigay ng kanyang ani, at ang mga punongkahoy sa parang ay magbibigay ng kanilang bunga."
"Makinig ka, anak ko, at tanggapin mo ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay marami."
"Ngunit ang tumitingin nang masidhi sa sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatili rito, na hindi tagapakinig na nakakalot kundi tagatupad na gumagawa, ang taong ito ay pagpapalain sa kanyang ginagawa."
"At tuparin mo ang tungkulin sa Panginoon mong Diyos, na lumakad sa kanyang mga daan, upang ingatan ang kanyang mga palatuntunan, ang kanyang mga utos, ang kanyang mga kahatulan, at ang kanyang mga patotoo, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay magtagumpay sa lahat ng iyong ginagawa, at sa bawat dako na iyong paroroonan."
"Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag aalis sa iyong bibig, kundi pagbubulay-bulayin mo ito araw at gabi, upang iyong maingat na magawa ang ayon sa lahat ng nakasulat dito. Sapagkat kung magkagayon ay pagiging masagana ang iyong lakad, at magtatagumpay ka."
"Kung iyong susunding masikap ang tinig ng Panginoon mong Diyos, upang isagawa ang lahat ng kanyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Diyos sa itaas ng lahat ng mga bansa sa lupa."
"Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili. Laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan."
"Sapagkat iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, lumakad sa kanyang mga daan, at tuparin ang kanyang mga utos, mga tuntunin, at mga batas; kung magkagayon ikaw ay mabubuhay at pararamihin, at pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lupain na iyong papasukin upang ariin."
"Mapapalad ang mga may lakad na walang kapintasan, na lumalakad ayon sa kautusan ng Panginoon."
"At iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Diyos, upang lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya."
"Sana'y laging ganito ang kanilang puso, na matakot sa akin at tuparin ang lahat ng aking mga utos, upang bumuti sila at ang kanilang mga anak magpakailanman!"
"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisigawa ng kaniyang mga utos: ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailanman."