11 Pagkabuhay na Maguli Mga Talata sa Bibliya
Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabuhay na Maguli. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.
"Mapalad at banal ang may bahagi sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Diyos at ni Cristo, at mangaghahari silang kasama niya sa loob ng isang libong taon."
"Sapagkat yamang sa pamamagitan ng tao ay dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao ay dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay."
"Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang buhay: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?"
"At sinabi niya sa ka nila, Huwag kayong mangagulat: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya;"
"Narito, nagsisipanhik tayo sa Jerusalem; at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulan siya ng kamatayan, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay."
"Wala siya rito, kundi nabuhay na maguli: alalahanin ninyo kung paanong nagsalita siya sa inyo nung siya'y nasa Galilea pa, Na sinasabi, Kinakailangang ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, and ipako sa krus, at mabuhay na maguli sa ikatlong araw."
"Ngayon ang Diyos ng kapayapaan, na muling nagdala mula sa mga patay sa Dakilang Pastol ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus, ay pasakdalin nawa kayo sa bawat mabuting gawa upang gawin ang kaniyang kalooban, na gawin sa atin ang kalugod-lugod sa kaniyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Amen."
"Kaya nga, sa pag-iwan ng mga simulang aral tungkol kay Cristo, ay magpatuloy tayo sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang patibayan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Diyos, ng turo tungkol sa mga pagbautismo, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan."
"Sa inyo muna, nang mabuhay na maguli ng Diyos ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya siya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawat isa sa inyo sa inyong mga kasamaan."
"At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagkat nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagkat siya'y nabuhay na maguli, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon."
"Sapagkat kung tayo nga ay naging kaalam niya sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakayon din naman tayo sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli: Na nalalaman natin, na ang ating dating pagkatao ay naipako sa krus na kasama niya, upang ang katawang makasalanan ay magiba, upang sa gayo'y huwag na tayong maging alipin pa ng kasalanan;"