Scripture Library

22 Pagpapako sa Krus Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapako sa Krus. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At inilagay nila sa itaas ng kaniyang ulo ang pamagat sa kaniya na nasusulat: ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO."

Mateo 27:37 Ang Biblia

"Ako ang mabuting pastol: ibinibigay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa."

Juan 10:11 Ang Biblia

"At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga."

Lucas 23:46 Ang Biblia

"Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na: at iniyuko ang kaniyang ulo, at isinuko ang kaniyang espiritu."

Juan 19:30 Ang Biblia

"Narito, siya'y pumaparito na kasama ng mga ulap; at makikita siya ng bawat mata, at ng mga nagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitangis dahil sa kaniya. Oo, Amen."

Apocalipsis 1:7 Ang Biblia

"Sapagkat aking pinasiyahan na walang malaman na anoman sa kasama ninyo, kundi si Jesu-Cristo, at siya na napako sa krus."

1 Korinto 2:2 Ang Biblia

"At tinawag niya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinoman ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin."

Marcos 8:34 Ang Biblia

"At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinoman ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin araw-araw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin."

Lucas 9:23 Ang Biblia

"At sinabi niya sa ka nila, Huwag kayong mangagulat: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya;"

Marcos 16:6 Ang Biblia

"Datapuwat malayo nawa sa akin ang magmapuri, maliban sa krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanlibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanlibutan."

Galacia 6:14 Ang Biblia

"Narito, nagsisipanhik tayo sa Jerusalem; at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulan siya ng kamatayan, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay."

Mateo 20:18 Ang Biblia

"Wala siya rito, kundi nabuhay na maguli: alalahanin ninyo kung paanong nagsalita siya sa inyo nung siya'y nasa Galilea pa, Na sinasabi, Kinakailangang ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, and ipako sa krus, at mabuhay na maguli sa ikatlong araw."

Lucas 24:6 Ang Biblia

"At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahagi ng kaniyang mga kasuutan ay nagpalabunutan sila."

Lucas 23:34 Ang Biblia

"At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin."

Mateo 10:38 Ang Biblia

"Na siya, bagama't nasa anyong Diyos, ay hindi niya ibinilang na isang bagay na nararapat panangitan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kaniyang sarili, at naganyong alipin, na naging katulad ng mga tao; At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na naging masunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus."

Filipos 2:6 Ang Biblia

"Na masidhing nakatitig kay Jesus na may-akda at tagatapos ng ating pananampalataya, na dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na binalewala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Diyos."

Hebreo 12:2 Ang Biblia

"Ako'm napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin."

Galacia 2:20 Ang Biblia

"Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapighatian; gayon ma'y ating ibinilang siya na hinampas, sinaktan ng Diyos, at pinahirapan."

Isaias 53:4 Ang Biblia

"Sapagkat ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't sa atin na nangagliligtas ay siyang kapangyarihan ng Diyos."

1 Korinto 1:18 Ang Biblia

"Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng punongkahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagaling kayo."

1 Pedro 2:24 Ang Biblia

"At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagkat nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya'y wala rito; sapagkat siya'y nabuhay na maguli, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon."

Mateo 28:5 Ang Biblia

"Sapagkat kung tayo nga ay naging kaalam niya sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakayon din naman tayo sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli: Na nalalaman natin, na ang ating dating pagkatao ay naipako sa krus na kasama niya, upang ang katawang makasalanan ay magiba, upang sa gayo'y huwag na tayong maging alipin pa ng kasalanan;"

Roma 6:5 Ang Biblia