Scripture Library

18 Pagsasalita Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagsasalita. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"At sinabi ng Diyos, Magkaroon ng liwanag: at nagkaroon ng liwanag."

Genesis 1:3 Ang Biblia

"Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nagawa ang mga langit; at lahat ng natatanaw doon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig."

Mga Salmo 33:6 Ang Biblia

"Nang ako'y tumahimik, ang aking mga buto ay nangatuyo dahil sa aking pagdaing sa buong araw."

Mga Salmo 32:3 Ang Biblia

"Ang mga kaaya-ayang salita ay parang bahay-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto."

Mga Kawikaan 16:24 Ang Biblia

"Sa iisang bibig lumalabas ang pagpupuri at ang pagsumpa. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat maging gayon."

Santiago 3:10 Ang Biblia

"Ang kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang mga umiibig dito ay kakain ng bunga nito."

Mga Kawikaan 18:21 Ang Biblia

"Ang mga pagpapala ay nasa ulo ng matuwid, ngunit ang karahasan ay nagtatakip sa bibig ng masama."

Mga Kawikaan 10:6 Ang Biblia

"Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon; ang pagpupuri sa kanya ay laging nasa aking bibig."

Mga Awit 34:1 Ang Biblia

"Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa mabuting kayamanan ng kanyang puso, at ang masamang tao ay naglalabas ng masama mula sa masamang kayamanan ng kanyang puso. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig."

Lucas 6:45 Ang Biblia

"Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta. Sa halip ay magpala kayo, sapagkat sa bagay na ito kayo tinawag, upang kayo'y magmana ng pagpapala."

1 Pedro 3:9 Ang Biblia

"Sapagkat sa maraming mga bagay tayong lahat ay natitisod. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang iyon ay taong sakdal, na may kakayahan ding magpigil sa buong katawan."

Santiago 3:2 Ang Biblia

"Kaluwalhatian sa tao ang humiwalay sa pagtatalo: nguni't bawa't mangmang ay magagalitin."

Mga Kawikaan 20:3 Ang Biblia

"Ang malumanay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit."

Mga Kawikaan 15:1 Ang Biblia

"Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't maging matulin ang bawa't tao sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa galit."

Santiago 1:19 Ang Biblia

"Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwat wala akong pag-ibig, ako ay naging tanso na tumutunog, o batingaw na kumakalembang."

1 Corinto 13:1 Ang Biblia

"Sapagkat wala pa ang salita sa aking dila, narito, Oh Panginoon, natatalos mo nang buo."

Mga Awit 139:4 Ang Biblia

"Sapagkat kung ipahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at manampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Diyos sa mga patay, ay maliligtas ka."

Roma 10:9 Ang Biblia

"Sapagkat ang tao ay nananalig ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa ang pagpapahayag ng bibig sa ikaliligtas."

Roma 10:10 Ang Biblia