Scripture Library

5 Pagsisinungaling Mga Talata sa Bibliya

Hanapin ang pinakamagagandang mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagsisinungaling. Basahin ang mga Kasulatan at ibahagi ito sa buong mundo.

"Datapuwat sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuno ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at magtago ng bahagi ng halaga ng lupa? Habang nananatili aling hindi sa iyo? at nang maipagbili na, aling hindi nasa iyong kapangyarihan? Bakit mo pinag-isipan ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Diyos."

Mga Gawa 5:3 Ang Biblia

"Kayo'y sa inyong amang diyablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa sa pasimula, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagkat siya'y isang sinungaling, at ama nito."

Juan 8:44 Ang Biblia

"Huwag kayong mangagbulaan sa isa't isa; yamang hinubad na ninyo ang lumang tao pati ng kaniyang mga gawa, at kayo'y nangagbihis ng bagong tao, na napaninibago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kaniya."

Colosas 3:9 Ang Biblia

"Ang lumalakad nang walang kapintasan, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kanyang puso; na hindi nanamantala sa pamamagitan ng kanyang dila, hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapuwa, at hindi nagpapahayag ng dungis laban sa iba."

Mga Awit 15:2 Ang Biblia

"Ang pagkatakot sa Panginoon ay pagkapoot sa kasamaan: ang kapalaluan, at ang pagmamataas, at ang masamang lakad, at ang mapandayang bibig, ay aking kinapopootan."

Mga Kawikaan 8:13 Ang Biblia